One Big Joke: Player vs. Playa

One Big Joke: Player vs. Playa
Picking up chicks is easy with Gab and Hari. Featuring Cel Hilario

Napansin ng mga fans nina gab and hari na hindi sila pinapansin ng mga babae sa simula ng kanilang video noong nakaraang buwan. Kaya naisip nilang magisip… magisip ng malalim. (Oo, nag-iisip din naman yung dalawang iyon.)

Hindi pwedeng hindi pansinin sina Gab and Hari ng kahit sinong babae. Nakagugulat nga na may nakagagawa ng ganoong bagay e. Isipin ninyo, ang lakas ng dating ng dalawang nilalang na ‘to tapos hindi man lang sila pinagbibigyan ng mga kababaihan. MALI ATA YON, CHOOOOONG!

Anyway, nang matapos silang mag-isip, tumama sa kanila ang ilang bagay. Wala namang problema sa mga mukha nila. May Itsura naman kami a dahil only Belo touches our skin. Wala rin problema sa amoy nila. Kakaligo nga lang namin no’n e at sponsored by Old Spice pa! Yung hininga pa nila ay napakabango. Listerine ang mouthwash ng mga ito a. Kaya isang lang ang nahinuha nila. Kulang ang mga pick-up lines na ginamit nila noong panahong iyon. Kaya ang solusyon… maging PICK-UP LINE MASTERS!

Naisipan nila na hindi sila gagaling sa pick-up lines kapag lagi silang magkasama, kaya nagdesisyon sila na mag-eensayo nang magkahiwalay para marami at iba-ibang pick-up lines ang masabi nila. Napagpasiyahan nila na magkita sa isang linggo sa U.P. upang ipamalas ang kanilang mga natutunan.

Nakasisiguro na ang muli nilang pagkikita ay isang digmaan ng kagalingan at kagitingan. Isang banggaan ng dalawang iniidolong kalalakihan. Isang tunggalian ng mga bigatin sa ganitong larangan. Harap-harapan at wala ng urungan.

Si Hari

Dahil sa kapal na rin ng mukha ng taong ito syempre hindi na rin siya nahirapan. Pero alam niyang marami nang nagdaang babae kay Gab, kaya alam ni Hari na maraming nang lumabas na mga pick up lines sa mga dila ni Gab. Aba! Si Gab yata ang isa sa mga magagandang lalaki sa Ecosoc! Kaya si Hari ay nag-ensayo tuwing hapon. Kahit sa klase, imbis na notes ng prof ang isulat sa notebook, ang isinusulat ay mga pick up lines. Upang malaman kung epektib nga ba talaga ang mga linya, sinasabi ni Hari ang mga linyang ito sa mga iba’t ibang babaeng nakasasalamuha niya. Hindi maiiwasan na masampal minsan ngunit hindi rin naman mapagkakaila na gumana ang iba. Nang medyo nabawasan na ng konti ang pula sa kanyang mukha galing sa mga sampal, alam na ni Hari na handang-handa na siya para sa paghaharap nila ni Gab!

Si Gab

Para kay Gab, ang hamon na ito ay isa sa pinakamabigat niyang nakuha sa buong buhay niya. Aba, ang kalaban niya ay walang iba kundi si Hari, ang taong may pilak na dila. Sabi ni Gab sa sarili niya, “Puta, kailangan sobrang lakas ng dating ko sa babae kundi kakainin lang ako ni Hari. Mukha niya pa lang, tingin ko matutunaw na yung babae. Dapat matapatan ko ‘to.” Kaya gumawa si Gab ng isang pick-up line program na ginagawa niya bente quatro oras, pitong araw sa isang linggo. Hindi si Gab lumabas ng kwarto niya para lang maperpekto niya ang kanyang angking at nakatagong talento sa pang-aakit ng mga magaganda at nakabibighaning mga babae. Kahit sa banyo daw ay naririnig ang kanyang mga pick-up lines pero hindi daw ito maintindihan dahil hinihinaan niya ang boses niya upang walang espiya ang makapag-chuchu sa labas.

Nung lumabas na siya sa banyo, alam niya na ito na ang tamang panahon para harapin niya na ang kanyang swabeng kalaban.

MUNDO, HUMANDA NA KAYO PARA SA ISANG LABANAN NA HINDI MO PWEDE PALAGPASAN.


Photos by Beatriz Bayudan and Chiara Buergo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s